DZJV Radyo CALABARZONRegional

Isa sa mga suspek sa pamamaril sa Ibaan, hawak na ng pulisya

Arestado ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Brgy. Coliat, Ibaan noong June 3, matapos ang mabilis na follow-up operation ng Ibaan Municipal Police Station. Natunton…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Batangas PPO PIO

Arestado ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa isang lalaki sa Brgy. Coliat, Ibaan noong June 3, matapos ang mabilis na follow-up operation ng Ibaan Municipal Police Station.

Natunton ng pulisya ang motorsiklong ginamit sa krimen sa bahagi ng Brgy. Bulacnin, Lipa City, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na itinago sa alyas na Dennis, 44-anyos, at residente rin sa lungsod.

Mababatid na pinagbabaril ng mga suspek ang biktimang si alyas “Herbert”, 43-anyos, supervisor ng St. Peter Life Plan, habang lulan ng kanilang motor na isang Yamaha Aerox at napag-alamang walang plaka.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?