DZJV Radyo CALABARZONRegional

Halos 200 pamilya, nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy

Umabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang malaking sunog kamakalawa ng gabi sa isang compound sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa BFP Bacoor,…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: SB ng Brgy. Talaba III

Umabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang malaking sunog kamakalawa ng gabi sa isang compound sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa BFP Bacoor, nagsimula ang sunog bandang alas-10:40 ng gabi sa Paraiso Compound, Zone 6.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bandang alas-11:01 ng gabi matapos ang mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa lakas ng hangin.

Inabot ng mahigit tatlong oras ang mga bumbero, fire volunteers, at iba pa bago tuluyang naapula ang apoy.

Ayon sa investigator ng BFP, inaalam pa nila ang posibleng pinagmulan ng apoy gayundin ang kabuuang halaga na natupok sa nasabing sunog.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyan namang naninirahan sa modular tent ang karamihan sa mga biktima, habang ang iba naman ay nakikitira muna sa kanilang kamag-anak at kaibigan.

Agad namang binigyan ng tulong ang mga ito gaya pagkain at medical services.

What do you feel about this article?