DZJV Radyo CALABARZONRegional

11 Batangueñong centenarians, binigyang pagkilala ng LGU

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ng cash incentives at Sertipiko ng Pagkilala sa mga Batangueñong Centenarian. Kamakailan lamang ay labing-isang centenarian ang kinilala at binigyan ng suporta…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Batangas PIO

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ng cash incentives at Sertipiko ng Pagkilala sa mga Batangueñong Centenarian.

Kamakailan lamang ay labing-isang centenarian ang kinilala at binigyan ng suporta ng lalawigan, na mga nagmula sa mga Lungsod ng Batangas, Lipa, at Tanauan, at mga Bayan ng Agoncillo, Laurel, Lemery, Cuenca, Bauan, Mabini, at Tingloy.

Pinangunahan ang aktibidad at pagbisita sa mga nasabing centenarians ng Provincial Office of the Senior Citizens Affairs, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Treasurer’s Office.

What do you feel about this article?