
Naging matagumpay ang pakikiisa ng Lokal na Pamahalaan ng Catanauan, Quezon, sa pagdiriwang ng “World No Tobacco Day”, kamakailan.
Ito’y matapos nilang ilunsad ang programang “An apple a day, keeps the yosi away” katuwang ang mga kawani ng kanilang Rural Health Unit.
Sama-samang nagtungo ang mga ito sa lansangan dala ang mga bote na paglalagyan ng mga “yosi” o sigarilyo na i-su-surrender ng mga naninigarilyong residente.
Bawat surrendered cigarettes ay may kapalit na mansanas.
ADVERTISEMENT
Layon ng aktibidad na mamulat ang publiko sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Dagdag pa ng mga ito, mas mainam na ibili na lang ng masusustansiyang pagkain ang pambili ng sigarilyo gaya ng prutas.

