Balitang A2ZLatest News

Umento sa pasahod sa buong Pilipinas, nais balansehin ni Sen. JV Ejercito

Iginiit naman ni Senate Majority Deputy Leader Sen. JV Ejercito na dapat balanse ang umento sa pasahod sa takbo ng ekonomiya sa buong Pilipinas.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Iginiit ni Senate Majority Deputy Leader Sen. JV Ejercito na dapat balanse ang umento sa pasahod sa takbo ng ekonomiya sa buong Pilipinas.

Binigyang-diin ni Ejercito na dapat ibigay ang tamang halaga ng pasahod sa gitna ng pagsirit ng mga presyo sa bilihin pero hindi sa paraang nakakabigla sa mga maliliit na negosyo.

Kasunod ito ng pag-apruba ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa kaugnay House Bill 11376 na naglalayong taasan ng P200 ang daily minimum wage.

Sa ngayon, hinihintay pa ni Ejercito ang datos mula sa mga economic managers ng administrasyon bago tuluyang magkaroon ng posisyon hinggil sa naturang panukala.

What do you feel about this article?