Ipinatigil ni United States President Donald Trump ang pagpasok ng mga dayuhang estudyante na nakatakda sanang mag-aral sa Harvard University.
Para raw ito sa national security batay sa kaniyang proklamasyon dahil tumanggi umano ang Harvard na magbigay ng impormasyon sa ilan umanong kaso ng abuso at krimen ng kanilang mga dayuhang mag-aaral.
Epektibo agad ang pagpapatupad ng ban para sa mga bagong papasok sa ilalim ng student exchange visitor program.
Binanatan din ni Trump ang Harvard dahil umano sa “diskriminasyon” sa mga amerikanong mag-aaral at sobrang pagtanggap ng mga dayuhan.
Nagbabala rin ang administrayon na mas paiigtingin pa ang pagbawi ng Visa ng mga estudyante galing China.

