Senator na, Doctor of Education pa.
Ginawaran ng Honorary Doctor of Education degree ng Tarlac Agricultural University (TAU) si Sen. Joel Villanueva nitong Huwebes, June 5, 2025.
Kinilala ni University President Dr. Silverio Ramon Salunson ang trabaho at adbokasiya ni Villanueva sa 14th conferment rites ng TAU sa Camiling, Tarlac.
Partikular sa pagsusulong ng edukasyon at labor rights sa nakalipas na dalawang dekada.
ADVERTISEMENT
Para kay Villanueva, ang conferment ng kanyang honoris causa ay bagong ningas sa kanyang laban para mabigyan ang mga kababayan ng maayos na edukasyon at trabahong may dignidad.
Si Villanueva ay kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Labor and Employment na nakilala rin sa kanyang malaking ambag sa technical education and skills development authority (TESDA).


