Isinumite na ng International Criminal Court ang ika-anim na batch ng ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong crimes against humanity dahil sa giyera kontra droga.
Mahigit 267 items na ang naisumite ng prosekusyon mula noong Abril.
Gagamitin ang lahat ng mga ebidensyan sa confirmation of charges hearing sa September 23, 2025 kung saan malalaman kung may sapat na basehan para ituloy ang paglilitis laban kay Duterte.

