Balitang A2ZFeatured

Libreng sakay ng MRT-3 at LRT-2, bubuksan sa June 12

Maghahandog ng libreng sakay ang MRT-3 at LRT-2 sa susunod na Huwebes, June 12, 2025 bilang pagdiriwang sa ika-127 taong kalayaan ng pilipinas.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Maghahandog ng libreng sakay ang MRT-3 at LRT-2 sa Huwebes, June 12, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-127 taong kalayaan ng Pilipinas.

Libre ang sakay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa lahat ng istasyon ng MRT-3 at LRT-2.

Magpapatupad din ng normal holiday schedule ang LRT-1 na magbubukas ng 5 a.m. at magsasara bago ang 10 p.m.

Samantala, kanselado rin ang number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority sa June 12, Araw ng Kalayaan.

ADVERTISEMENT

Habang inabisuhan din ng ahensya ang mga motorista na alamin ang mga lugar na isasara dahil sa naturang holiday upang hindi maipit sa kalsada.

What do you feel about this article?