Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang supply ng libreng gamot para sa mga taong may Human Immunodeficiency Virus (HIV) kasama na ang test kits para sa mga gustong magpasuri.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, may sapat na antiretroviral drugs sa mga treatment hubs tulad ng San Lazaro Hospital kung saan nagbibigay ng three-month supply ang gobyerno sa bawat pasyente na libre at sagot ng PhilHealth.
Sa gitna ng 500% na pagtaas ng kaso ng HIV sa mga kabataang edas 15 hanggang 20, inirerekomenda na ng kagawaran na ideklarang National Health Emergency ang HIV.
Nagpaalala rin ni Herbosa na maaaring makabili ng HIV self-test kits sa mga botika.
ADVERTISEMENT
Sakali namang magpositibo, kailangan daw kumpirmahin ito sa treatment hubs para sa pormal na gamutan.
“Binisita ko iyong San Lazaro, kumpleto sila ng supplies. Iyong ARV, binibigay po ang three-month supply every time pumunta iyong pasnyente to get. So, every three monthjs, nari-resupply siya ng ARV treatment. Ito po ay libre, binabayaran po ng Philhealth para sa ating persons living with HIV”, ayon kay Herbosa.

