
Arestado ang tatlong lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng Calauan Municipal Police Station sa Brgy. Silangan kahapon ika-4 ng Hunyo.
Narekober sa mga suspek ang 11 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 25 grams na may halagang P3, 000.
Habang nakuha rin sa mga ito ang isang belt bag, P500 buy-bust money, at karagdagang P1,850 cash.
Nasa edad 21-22 taong gulang ang mga suspek at pawang mga residente ng Calauan.
ADVERTISEMENT
Nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


