Pormal na lumagda sa isang kasunduan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Integrated Bar of the Philippines-NCR Chapter (IBP-NCR) upang magsagawa ng libreng legal education at tulong para sa mga pulis sa Metro Manila.
Saklaw ng kasunduan ang mahahalagang paksa gaya ng warrantless arrest, Miranda rights, at tamang proseso ng paghuli at paghawak ng kaso.
Pangungunahan ng IBP ang mga pagsasanay, katuwang ang Napolcom at PNP sa logistical support.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, malaking tulong ito sa mga pulis na humaharap sa mga usaping legal at bilang bahagi ng pagpapahusay ng kanilang kaalaman sa batas.
ADVERTISEMENT
Sinabi rin ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan na ang nasabing inisyatibo ay magpapalakas sa tiwala ng taumbayan sa kapulisan sa pamamagitan ng patas at makataong pagpapatupad ng batas.

