Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magdagdag ng ₱200 sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Nakakuha ito ng 171 boto pabor, 1 tutol, at walang abstain.
Kapag tuluyang naisabatas, ito ang magiging unang wage hike na inaprubahan ng lehislatura sa loob ng mahigit tatlong dekada.
Inaasahang ang dagdag pasahod ay makakatulong upang maibsan ang epekto ng sunod-sunod na inflation sa bansa at mataas na gastusin sa araw-araw na pamumuhay ng mga manggagawa.

