Mananatili sa gabinete ang nasa higit 20 na opisyal matapos tanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang courtesy resignation.
Ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang listahan ng mga cabinet secretary na mananatiling parte ng administrasyong Marcos.
Kabilang dito sina Education Secretary Sonny Angara, Health Secretary Teodoro Herbosa, at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr..
Kasama rin sa mananatili ay sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, DSWD Secretary Rex Gatchalian, at Transportation Secretary Vince Dizon na kakakumpirma lamang ng Senado ang appointment.

