Latest NewsNews Light

Pagbawas sa paperwork ng mga guro, ipinatupad ng DepEd | News Light

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang 57% na pagbabawas sa classroom paperwork sa ilalim ng DepEd Order No. 6, Section 2025, mula sa dating 174 school forms, lima na…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang 57% na pagbabawas sa classroom paperwork sa ilalim ng DepEd Order No. 6, Section 2025, mula sa dating 174 school forms, lima na lamang ang kailangang regular na kompletuhin ng mga guro.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ito ay hakbang ng kagawaran upang itaguyod ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga guro.

Ang bagong patakaran ay makakatulong upang magkaroon ng mas maraming oras ang mga guro upang makapaghanda ng aralin, magbigay ng feedback, at makilahok sa mga development activities.

Makakatulong rin ito upang maging mas epektibo at flexible ang pagtuturo dahil mas kaunti na ang dokumentong kailangang punan.

What do you feel about this article?