Naghain ngayong Martes ng ‘not guilty plea’ ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa kasong cyberlibel na inihain laban sa kanya sa Muntinlupa Regional Trial Court.
May kaugnayan ang reklamo sa trailer ng pelikula tungkol kay Pepsi Paloma.
Kinumpirma ang naturang ‘plea’ ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Fortun.
Habang nakatakda naman ang unang pagdinig sa August 19, mauuna munang isagawa ang mandatory mediation conference.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Fortun, obligado sa batas na subukang magkaayos ang mga panig bago ituloy ang paglilitis.

