DZJV Radyo CALABARZONRegional

Bangkay ng babae, natagpuan sa ilalim ng tulay sa Dasmariñas Cavite

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Fatima I Dasmariñas City Cavite. Ang nasabing tulay ay nag-uugnay sa Brgy. Fatima I at Brgy. Emmanuel Bergado…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Dasma Ccps

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Fatima I Dasmariñas City Cavite.

Ang nasabing tulay ay nag-uugnay sa Brgy. Fatima I at Brgy. Emmanuel Bergado 2.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Angie,” na naiulat na nawawala ilang oras bago matagpuan. 

Ayon sa ulat, isang 15-anyos na estudyante ang nagsabi sa barangay kaugnay ng pagkawala ng kanyang kaibigan.

Sa isinagawang inspeksyon ng mga opisyal ng barangay, natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay at agad na ipinagbigay-alam ang insidente sa Dasmariñas City Police at SOCO na mabilis namang rumesponde.

ADVERTISEMENT

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman kung may foul play sa insidente. 

What do you feel about this article?