FeaturedLatest News

Panukalang libreng funeral services para sa mahihirap, aprubado na sa Senado | News Light

Aprubado na sa Senado ang panukalang magbibigay ng libreng funeral service gaya ng libing o cremation para sa mga mahihirap na pamilya at lubos na nangangailangan.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Aprubado na sa Senado ang panukalang magbibigay ng libreng funeral service gaya ng libing o cremation para sa mga mahihirap na pamilya at lubos na nangangailangan.

Ang Senate Bill No. 2965 o ang Free Funeral Services Act ay may layong tumulong sa mga pamilyang may kitang nasa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng National Economic Development Authority (NEDA).

Sakop rin ng panukala ang mga pamilyang walang kakayahang makakuha ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, healthcare, edukasyon, tirahan, at iba pa.

Maliban dito, sakop rin dito ang mga naapektuhan ng mga kalamidad na dahilan upang hindi nila makayang kumuha ng funeral service.

ADVERTISEMENT

Ang mga kwalipikadong pamilya ay bibigyan ng indigent funeral package kung saan tutulungan na sila sa paghahanda ng funeral documents, embalsamo, interment o burial services, transport, cremation, at inurnment services kabilang na ang kabaong, urn, at venue.

Para makakuha ng package, ipakita lamang ang valid ID ng claimant o beneficiary, ang death certificate mula sa ospital o city/municipal health office, funeral contract, at social case study mula sa isang registered social worker.

What do you feel about this article?