Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga ahensya ng transportasyon na imbestigahan ang umano’y pagtaas ng pamasahe at cargo air fares patungong Ormoc, Tacloban, at Catarman.
Sa isang liham kay DOTr Secretary Vince Dizon, ipinahayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang posibilidad na dulot ito ng mga paghihigpit sa San Juanico Bridge.
Hinikayat ng OCD ang Civil Aeronautics Board at Civil Aviation Authority of the Philippines na agad kumilos upang maiwasan ang dagdag na pasanin sa mga pasahero.
Iminungkahi rin ng ahensya ang pansamantalang pagdagdag ng mga biyahe sa mga paliparan sa Ormoc, Calbayog, at Catarman upang maibsan ang trapiko sa Tacloban Airport.
ADVERTISEMENT
Umaasa ang OCD na ang agarang aksyon ay makakatulong upang mapanatiling abot-kaya ang transportasyon at maibsan ang galit ng publiko.

