FeaturedGood News

Johnoy the Author: 9-anyos na bata, nakapaglathala na ng tatlong libro | News Light

Hindi lamang isa o dalawa, kundi tatlo na ang librong nailathala na isinulat ng siyam na taong gulang na bata na si John Timothy Asido o Johnoy.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Hindi lamang isa o dalawa, kundi tatlo na ang librong nailathala na isinulat ng siyam na taong gulang na bata na si John Timothy Asido o Johnoy.

Sa murang edad pa lamang, ipinakita niya ang kanyang hilig at galing sa pagsusulat at pagguhit ng mga kwento.

Anim na libro na ang naisulat ni Johnoy kabilang ang mga storybook at activity books na pambata.

Tatlong libro ay nailathala na at isa nga rito ang Johnoy the Explorer na noong Marso ay ibinida niya sa National Book Festival 2025.

ADVERTISEMENT

Maliban pa dito, mahilig rin siya sa isports na Sikaran o isang tradisyonal na martial art.

Tunay ngang nakakamangha ang husay at galing ng batang si Johnoy.

What do you feel about this article?