Nanawagan si Senator Joel Villanueva sa mga pribadong kumpanya at maging sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng alternatibong work arrangement tulad ng work-from-home para makabawas sa perwisyong inaasahan mula sa papalapit na malawakang pagkukumpuni ng EDSA.
Giit ni Villanueva, na siyang chairperson ng Senate committee on labor, “Kawawa naman ang mga empleyado na nauubos lang ang oras sa traffic araw-araw para lang makarating sa opisina.”
Matatandaang si Villanueva rin ang may akda ng Republic Act 11165 o Telecommuting Act na siyang nagbibigay ng proteksyon sa tamang pasahod at benepisyo sa mga empleyado na mapagbibigyan ng remote work options ng kanilang mga kumpanya.
Sa kalagitnaan ng Hunyo, nakatakdang umarangkada ang EDSA rehabilitation na inaasahang tatagal ng dalawa hanggang tatlong taon.
ADVERTISEMENT

