Latest NewsNews Light

Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy, mananatili sa Pilipinas para harapin ang kaso | News Light

Mananatili sa bansa ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy upang harapin ang kanyang sintensya matapos akusahan ng pangha-harass at pambabastos sa mga Pilipino para lamang sa content.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Mananatili sa bansa ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy upang harapin ang kanyang sintensya matapos akusahan ng pangha-harass at pambabastos sa mga Pilipino para lamang sa content.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, haharap si Zdorovetskiy sa paglilitis sa susunod na linggo para sa tatlong kaso ng unjust vexation, na may posibleng parusang tatlong buwan hanggang isang taong pagkakakulong.

Hindi rin option ang deportation bilang parusa dahil tumanggi ang Russia at Estados Unidos na tanggapin ang vlogger.

Kapag napatunayang guilty, maaari siyang makulong ng hanggang labing walong buwan sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology.

What do you feel about this article?