Health & ScienceLatest News

NB.1.8.1 COVID variant, lumalaganap sa Asya; mga ospital sa Pilipinas, nakakakita na rin ng pagtaas ng kaso | News Light

Muling nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa paglaganap ng bagong COVID-19 subvariant na NB.1.8.1 na unang nadiskubre sa China noong Enero at ngayo’y kumakalat na sa buong Asya.

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

I have no symptoms doctor

Muling nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa paglaganap ng bagong COVID-19 subvariant na NB.1.8.1 na unang nadiskubre sa China noong Enero at ngayo’y kumakalat na sa buong Asya.

Ito’y sublineage ng naunang Omicron at nasa ilalim na ng mahigpit na monitoring dahil sa bilis ng pagkalat nito, partikular na sa Western Pacific region.

Ayon sa WHO, wala pang ebidensiya na mas nagdudulot ito ng malubhang sakit kumpara sa iba pang Omicron subvariants.

Aminado naman ang Private Hospitals Association of the Philippines na may bahagyang pagtaas ng mga kasong kinokonsidera nilang posibleng COVID-19.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng banta, wala nang libreng COVID-19 vaccines na ipinamimigay ang pamahalaan mula pa noong Marso 2023.

Pero paalala ng WHO, bagama’t mabilis ang transmission nito, protektado pa rin ang mga bakunado laban sa malubhang sintomas.

What do you feel about this article?