Latest NewsNews Light

695 violations, naitala sa ika-2 araw ng NCAP reimposition; mas mababa kumpara sa 1 araw na may 1,112 violations

Umabot sa halos pitong daan ang naitalang traffic violations sa ikalawang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Giselle Crazo · · 1 min read

Umabot sa halos pitong daan ang naitalang traffic violations sa ikalawang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Pero ayon sa MMDA, higit na mas mababa ito ng 417 kumpara sa 1,112 violations noong unang araw ng reimplementation.

Gumagamit ang NCAP ng AI-powered cameras para tukuyin ang mga lumalabag sa trapiko, na layuning bawasan ang manual apprehension at pagbutihin ang daloy ng sasakyan sa Metro Manila bago ang EDSA rehabilitation na nakatakdang simulan sa June 16.

Nasa 300 camera na ang nakakabit sa mga major road tulad ng EDSA, Araneta Avenue, at Commonwealth.

ADVERTISEMENT

Habang iginiit naman ng marami na unahin muna dapat ayusin ang mga signage at lane markings bago ipatupad ang NCAP.

What do you feel about this article?