InternationalNews Light

Japan, magpapatuloy sa tariff talks kasama ang US sa G7 Summit

Ipinahayag ni Prime Minister Shigeru Ishiba na ipagpapatuloy ng Japan ang mga negosasyon sa taripa kasama ang Estados Unidos sa layuning makabuo ng kasunduan sa darating na G7 Summit sa…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Ipinahayag ni Prime Minister Shigeru Ishiba na ipagpapatuloy ng Japan ang mga negosasyon sa taripa kasama ang Estados Unidos sa layuning makabuo ng kasunduan sa darating na G7 Summit sa Canada sa Hunyo.

Ayon kay Ishiba, nagkausap na sila ni US President Donald Trump sa telepono at kapwa silang nagsabing layunin nilang matuloy ang kasunduan tungkol sa taripa sa G7 Summit.

Binanggit din ng punong ministro na interesado ang US na ipaayos ang kanilang mga barkong pandigma sa Japan.

Ipinahayag naman ng Japan na bukas ang kanilang bansa sa ganitong uri ng kooperasyon, lalo na sa larangan ng shipbuilding at teknolohiya.

What do you feel about this article?