Umapela ang ilang grupo sa Comelec para tuluyan nang i-diskwalipika ang Duterte Youth party-list sa 2025 midterm elections.
Kasama sa mga naghain ng petisyon ang Gabriela Youth, Anakbayan, at Kabataan Tayo ang Pag-asa.
Giit ng Gabriela Youth, hindi lamang legal kundi moral na hakbang ang pagdiskwalipika sa Duterte Youth.
Tinuligsa rin nila ang anilang “bogus representation” at sinabing hindi dapat gawing backdoor ng mga political dynasty ang party-list system.
ADVERTISEMENT
Matatandaang sinuspindi na ng Comelec ang proklamasyon ng Duterte Youth noong Mayo 19 dahil sa mga nakabinbing kaso.


