Atty. Princess Abante, itinalaga bilang spokesperson ng kamara

📅

Itinalaga ng kamara si Atty. Priscilla Marie “Princess” Abante bilang bagong tagapagsalita nito sa natitirang panahon ng 19th Congress na layong labanan ang fake news at palakasin ang transparency.

Ayon kay Abante, kailangang maayos ang pagpapaliwanag ng mga polisiya ng Kongreso, kabilang na ang pagbibigay ng opisyal na pahayag, paglinaw sa mga batas, at pagharap sa media.

Mayroong background sa journalism, law, at civic education si Abante at dating spokesperson ng Maynila sa ilalim ni Mayor Honey Lacuna.

Posible ring magkaroon ng hiwalay na tagapagsalita ang House prosecution team para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.