Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng odd/even scheme sa EDSA simula June 16 upang mabawasan ang dami ng sasakyan habang isinasagawa ang pagsasaayos sa nasabing kalsada.
Ayon kay MMDA Chair Romando Artes, bawal ang mga plakang nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang 0, 2, 4, 6, at 8 ay bawal tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Libre ang toll sa bahagi ng Skyway Stage 3 para sa mga hindi makadaan sa EDSA.
Bukod dito, bawal na rin ang mga probinsiyal na bus at malalaking sasakyan sa EDSA mula 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m.
ADVERTISEMENT
Magsasagawa rin ang MMDA ng araw-araw na clearing operations sa mga “Mabuhay lanes” para mapanatiling maayos ang daloy ng trapiko.

