Nangamatay ang mahigit sa dalawang tonelada ng isda sa ilang bayan ng Camarines Sur.
Unang namataan ang fishkill sa bayan ng Calabanga noong Biyernes, habang apektado rin ang ilang barangay sa bayan ng Tinambac.
Sinuri na ang kalidad ng tubig sa mga bayan ng Camarines Sur.
Batay sa paunang resulta, normal ang lahat ng panukatan.
ADVERTISEMENT
Kaya naman kumuha na ng sample ng isda para sa cyanide testing at ipinadala na sa central laboratory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.



