InternationalLatest News

Israel, muling umatake sa Gaza; 52 katao, patay

Hindi bababa sa 52 katao ang nasawi sa mga airstrike ng Israel sa Gaza Strip noong Lunes, kabilang ang 33 na nasa isang paaralang nagsisilbing kanlungan, ayon sa mga rescuer.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Hindi bababa sa 52 katao ang nasawi sa mga airstrike ng Israel sa Gaza Strip noong Lunes, kabilang ang 33 na nasa isang paaralang nagsisilbing kanlungan, ayon sa mga rescuer.

Habang nagpapatuloy ang kaguluhan, inilahad ng mga tagapamagitan ang panukalang 70 days na tigil-putukan at palitan ng mga bihag sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nagbabala rin ang Israel sa posibilidad ng mga karagdagang pag-atake matapos matukoy ang tatlong projectile na pinaputok mula Gaza, kasabay ng pagdiriwang ng Jerusalem Day.

Inutusan ng Israel ang agarang paglikas sa ilang bahagi ng Khan Yunis, na sinasabing pinagmulan ng mga rocket.

What do you feel about this article?