Binalaan ng PAGASA ang publiko hinggil sa mga indibidwal na nagpapanggap umanong opisyal ng ahensya para makapag-solicit ng pera para sa isang foundation.
Ayon sa PAGASA, walang kinalaman ang mga fake officials sa ahensya.
Hindi anila humihingi ng pabor sa publiko ang mga tauhan ng PAGASA.
Hindi rin anila pinahihintulutan ng ahensya ang anumang uri ng misrepresentation bilang sangay ng pamahalaan.
ADVERTISEMENT
Patuloy ang imbestigasyon sa mga fake officials.

