Latest NewsNews Light

NCAP para sa mga motorista, epektibo na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) matapos ang bahagyang pag-aalis ng Supreme Court sa temporary restraining order na nagpahinto sa polisiya noong 2022.

Giselle Crazo · · 1 min read

Umarangkada na ngayong araw ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) matapos ang bahagyang pag-aalis ng Supreme Court sa temporary restraining order na nagpahinto sa polisiya noong 2022.

Sa ilalim ng NCAP, gagamitin ang mga CCTV camera para mahuli ang mga lumalabag sa batas-trapik sa mga mahahalagang lansangan tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, at C-5 nang walang pisikal na paghahabol ng mga enforcer.

Layunin ng pamahalaan na mapabuti ang disiplina sa kalsada at maiwasan ang korapsyon sa pagpapatupad ng batas-trapiko.

What do you feel about this article?