Latest NewsNews Light

Ikatlong civilian mission sa West Philippine Sea, naglayag na nitong Linggo

Naglayag na nitong Linggo ang ikatlong civilian mission na ikinasa ng Atin Ito coalition patungong West Philippine Sea.

Jomar Villanueva · · 1 min read

Naglayag na nitong Linggo ang ikatlong civilian mission na ikinasa ng Atin Ito coalition patungong West Philippine Sea.

Layon ng civilian mission na magpakita ng suporta sa mga komunidad sa WPS sa pamamagitan ng musika at concert.

Kasama sa civilian mission ang ilang Filipino performers gaya nina Noel Cabangon, Ebe Dancel, all-women rock band na Rouge, at rap collective na Morobeats.

Kasama rin ang ilang artist mula sa Japan, Indonesia, Malaysia, at South Korea.

Ayon kay Atin Ito convenor Rafaela David, nais nilang gamitin ang musika para palakasin ang loob ng mga residente sa West Philippine Sea, na pawang nakararanas ng harassment mula sa Chinese Coast Guard.

ADVERTISEMENT

Welcome naman sa Armed Forces of the Philippines ang civilian mission at iba pang inisyatiba ng iba’t ibang mga grupo.

Inaasahang nasa Palawan na ang civilian mission at tutulak sa Pag-asa Island para doon isagawa ang “Concert at Sea for Peace.”

What do you feel about this article?