Nasawi ang ilang residente matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa mga kabahayan sa San Diego, California.
Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkasawi ng dalawang indibidwal habang inaalam pa kung ilan ang lulan ng eroplano at kung may nasawi dito.
Nagdulot rin ito ng pagkasunog ng ilang bahay at sasakyan.
Inilikas naman ang nasa 100 pang residente na apektado ng pagbagsak.

