Latest NewsNews Light

Mga bilihin sa Samar, nagsisitaasan dahil sa limitadong biyahe ng mga truck

Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa Samar dahil sa limitadong biyahe ng mga truck.

Newslight · · 1 min read
File photo

Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa Samar dahil sa limitadong biyahe ng mga truck.

Ito ay bunsod ng pagkukumpuni sa San Juanico Bridge.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Tacloban, Leyte, tumaas ang presyo ng petrolyo at manok.

Ito’y bunsod ng malaking gastos sa pag-transport ng mga produkto.

Para bahagyang masolusyunan ang problema, binigyan ng MARINA ng 30 araw na special permit ang mga sasakyang pandagat na bumibiyahe sa pagitan ng Samar at Leyte.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa dinagdagan ang biyahe ay sa mga rutang pa-Kalbayog, Ormoc, Mandaue, Leyte at Samar.

What do you feel about this article?