Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng Prosecution na palawigin ang deadline ng paghahain ng mga dokumento kaugnay ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa desisyon ng Pre-Trial Chamber noong Mayo 20, itinakda ang bagong mga petsa kung saan Hunyo 16 ang deadline ng Prosecution sa paghahain ng request para itago ang pagkakakilanlan ng mga testigo o mga ebidensyang hindi puwedeng ibunyag.
Hunyo 20 naman ang deadline para sa mga response sa mga nabanggit na request.
At Hulyo 1 ang deadline para sa kumpletong paglalahad ng arrest warrant materials.
ADVERTISEMENT
Habang nakatakda ang kanyang ICC hearing sa Setyembre 23.


