Gumawa ng kasaysayan ang isang Filipino political satire play matapos itong maging kauna-unahang Tagalog-language play na itatanghal sa Short+Sweet Theatre Festival sa Dubai.
Ang Porkchop Politics, sa panulat at direksyon ni Rissy McGrath, ay isang 10-minutong satirical play tungkol sa tatlong babae na nagbibiro tungkol sa mayoral election ng kanilang lungsod na pinangalanang “Buwis-Buhay.”
Nilalarawan ang play bilang “witty” ngunit nagpapakita ng realidad ng politika, lalo na sa Pilipinas.
Pinagbibidahan ito ng mga UAE-based na Filipino artists na ngayon ay kinikilala na rin para sa kanilang husay sa pagtatanghal.
ADVERTISEMENT



