Latest NewsNews Light

Hiling ng MMDA na i-lift ang TRO vs. NCAP, kinatigan ng SC

Kinatigan ng Korte Suprema ang hiling ng MMDA na i-lift ang temporary restraining order sa no contact apprehension (NCAP).

Ace Cruz · · 1 min read

Kinatigan ng Korte Suprema ang hiling ng MMDA na i-lift ang temporary restraining order sa no contact apprehension (NCAP).

Pero nilinaw ng tagapagsalita nito na si Atty. Camille Ting na partial lamang ito at tanging sa major thoroughfares lang ipatutupad ng MMDA ang NCAP gaya ng Edsa at C-5.

Kaya’t hindi sakop ng pag-lift sa TRO ang NCAP sa iba’t ibang lungsod.

Nauna nang sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na malaki ang tulong ng NCAP sa halip na parahin pa ng traffic enforcers ang violators na makakasagabal pa sa daloy ng trapiko—lalo na kapag nagsimula ang Edsa rebuilding program sa kalagitnaan ng Hunyo.

ADVERTISEMENT

Welcome rin ito sa MMDA at tiniyak na binago na nila ang ilang guidelines sa polisiya para tumugon sa ilang kinukuwestyon dito.

What do you feel about this article?