Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato ng May 12 midterm elections laban sa pagsusumite ng hindi totoo o may discrepancy na statements of contributions and expenditures (SOCE).
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ang hindi tamang SOCE ay maaaring magresulta sa kasong falsification at perjury.
Nakasaad sa Republic Act No. 7166 na kailangang magsumite ng “full, true and itemized” SOCE ang bawat kandidato at partido sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.
Ang huling araw ng pagsusumite ay sa June 11, at nilinaw ng Comelec na hindi ito palalawigin.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ni Garcia, maging panalo man o talo, obligasyon ng bawat kandidato ang pagsusumite ng SOCE.


