Good NewsLatest News

Viral na Christian dance trend, game na sinayaw ng mga Pinoy

Viral ang sayaw sa kantang ‘Your Way’s Better’ ni Forrest Frank na ginawa nina David Myers at Bridgette Nicole.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kung sayawan lang rin naman ang usapan, talaga namang hindi magpapahuli ang mga Pinoy diyan!

Lalo na kung ang sayaw ay may gamit na Christian music at may magandang mensahe tungkol sa kabutihan ng Diyos.

Viral ang sayaw sa kantang ‘Your Way’s Better’ ni Forrest Frank na ginawa nina David Myers at Bridgette Nicole.

Hindi lamang viral ang sayaw sa ibang bansa dahil sinayaw na rin ito ng ilang Filipino Christians sa social media.

May mga magkakaibigan o churchmates na sabay-sabay itong sinayaw.

ADVERTISEMENT

May mother and daughter rin na sumali sa dance challenge at hindi nagpauli.

Mapapaindak ka talaga sa chill but meaningful dance na ito na nagbibigay-papuri sa ating Diyos.

What do you feel about this article?