DZJV Radyo CALABARZONRegional

Pampasaherong bus, nagliyab habang nasa biyahe

Problema sa makina ang nakikitang dahilan ng mga awtoridad sa pagliyab ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng diversion road, Brgy. Progreso, Gumaca, Quezon, noong Linggo, ika-18 ng Mayo. Base…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Delia Gabionza

Problema sa makina ang nakikitang dahilan ng mga awtoridad sa pagliyab ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng diversion road, Brgy. Progreso, Gumaca, Quezon, noong Linggo, ika-18 ng Mayo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, tumigil ang naturang sasakyan sa pataas na bahagi ng kalsada na posibleng nagdulot ng pag-init ng makina nito saka nagliyab.

Matatandaang walang naisalbang kahit anong gamit ang mga pasahero dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente.

ADVERTISEMENT

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pangyayari kasunod ng paalala sa mga bus company na suriing mabuti ang mga sasakyan bago bumiyahe.

What do you feel about this article?