
Isang lalaki na tinaguriang “Regional Level Most Wanted” ang dinakip ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station (MPS) kamakailan, sa Brgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite.
Tinukoy ni PLTCOL Al-rieza S. Kinang, Acting Chief of Police ng Tanza MPS ang suspek sa alyas na “Aldin”, residente ng Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite.
Inaresto aniya ito sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 2 counts of Statutory Rape at Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na inisyu ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 132, Naic.
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Tanza MPS habang inaayos ang karagdagang dokumento sa mga kaso nito.
ADVERTISEMENT
