News LightLatest News

BSP, nagbabala sa pekeng online job offers gamit ang larawan ni Deputy Governor Fonacier

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes laban sa mga pekeng online job offers na ginagamit ang larawan ni Deputy Governor Chuchi Fonacier.

Dawn Pamulaya · · 1 min read
Photo from Bangko Sentral ng Pilipinas/Facebook

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes laban sa mga pekeng online job offers na ginagamit ang larawan ni Deputy Governor Chuchi Fonacier.

Ayon sa BSP, may natanggap silang ulat tungkol sa mga mensaheng ipinapadala sa Viber na nag-aalok ng trabaho sa isang e-commerce company na may kita umanong ₱500 hanggang ₱5,000 kada araw.

Paalala ng BSP, ang mga lehitimong job vacancies ay makikita lamang sa kanilang opisyal na website at social media accounts.

Hinihikayat din ang publiko na huwag makipag-ugnayan o magbigay ng personal na impormasyon sa mga hindi kilalang indibidwal.

ADVERTISEMENT

Pinayuhan ng BSP ang lahat na i-verify ang anumang mensahe o transaksyon na umano’y may kaugnayan sa BSP at agad i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad.

What do you feel about this article?