Hindi bababa sa 21 katao ang nasawi matapos hagupitin ng malalakas na tornado ang mga estado ng Missouri at Kentucky.
Kumpirmado ni Kentucky Governor Andy Beshear ang 14 na nasawi sa kanyang estado, habang nasa aktibong rescue operations pa rin ang mga awtoridad.
Dahil sa tornado, mahigit isang-daang libong residente ang nawalan ng kuryente sa Kentucky.
Sa Missouri naman, pito ang naiulat na namatay, lima sa St. Louis area at dalawa sa Scott County.
ADVERTISEMENT
Nagdeklara ng state of emergency ang parehong estado.

