Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikaalarma ang publiko sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Southeast Asia gaya ng Singapore at Hong Kong.
Ayon sa DOH, aktibo silang nakikipag-ugnayan sa guidelines ng ASEAN upang makatanggap ng beripikadong impormasyon at mapanatili ang kahandaan ng bansa.
Sa Pilipinas, umabot lamang sa 1,774 ang naitalang kaso ngayong taon hanggang Mayo 3, mas mababa ng 87% kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Bagama’t nakapagtala ng 81 malulubhang kaso at 30 pagkamatay ang Hong Kong nitong nakaraang apat na linggo, walang indikasyon na mas mabagsik ang mga umiikot na variants ayon sa Ministry of Health ng Singapore.
Sa kabila nito, muling nagpaalala ang DOH na magsuot ng face mask, manatili sa bahay kapag may sakit, sundin ang tamang respiratory hygiene, at agad magpakonsulta kapag may sintomas.
ADVERTISEMENT
Patuloy rin ang ahensya sa pagbibigay ng mga update kung sakaling magbago ang sitwasyon.

