DZJV Radyo CALABARZONRegional

P3.4m halaga ng shabu, nasabat sa Bacoor City

Nasabat ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa isang parking lot ng mall sa Barangay Habay 2, Bacoor City, Cavite. Kinilala ang naarestong suspek na…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PDEA-Calabarzon

Nasabat ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa isang parking lot ng mall sa Barangay Habay 2, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Eugene”, 30-anyos, walang asawa, at residente ng Tondo, Manila.

Ayon sa PDEA Region 4A at PNP Cavite Maritime Police, kabilang si Eugene sa high-value target ng mga awtoridad.

Narekober sa suspek ang nasa humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

ADVERTISEMENT

Samantala, nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

What do you feel about this article?