DZJV Radyo CALABARZONRegional

P20 bigas, mabibili na sa Cavite at Laguna

Mabibili na ang P20 kada kilong bigas sa mga lungsod ng Santa Rosa, Laguna at Dasmariñas, Cavite kasabay ng pagpapatupad ng “Benteng Bigas, Meron na!”. Sa Santa Rosa City, dinagsa…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: Santa Rosa City IO

Mabibili na ang P20 kada kilong bigas sa mga lungsod ng Santa Rosa, Laguna at Dasmariñas, Cavite kasabay ng pagpapatupad ng “Benteng Bigas, Meron na!”.

Sa Santa Rosa City, dinagsa ng mga mamimili mula sa iba’t ibang sektor ang murang bigas, partikular na ang mga senior citizen, PWD, solo parents, at 4Ps beneficiaries.

Tampok din sa Kadiwa ng Pangulo ang murang produktong agrikultural, pagkain, at mga lokal na produkto mula CALABARZON.

Suportado ito ng lokal na pamahalaan at Santa Rosa City Agriculture.

Sa kabilang banda, maaga ring pumila ang mga benepisyaryo sa Barangay Salitran III, Dasmariñas City upang makinabang sa parehong programa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay City Agriculturist Jennifer Ibayan, prayoridad dito ang mga kabilang sa vulnerable sector.

Samantala, ang “Benteng Bigas, Meron na!” ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas upang gawing abot-kaya ang mga pangunahing bilihin para sa lahat.

What do you feel about this article?