Health & ScienceLatest News

Early Childhood Care and Development System Act, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang Early Childhood Care and Development System Act.

Newslight · · 1 min read

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang Early Childhood Care and Development System Act.

Layon nitong tutukan ang maagang edukasyon, wastong nutrisyon at pangangalaga sa mga batang Pilipino.

Isa ito sa mga priority recommendations ng Second Congressional Commission on Education para mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa at maitaguyod ang karapatan ng mga bata para sa maayos na pangangalaga.

Sa ilalim ng batas, ang Early Childhood Care and Development Council ang pangunahing ahensiya na mangangalaga sa mga batang edad apat na taon pababa, habang ang DepEd naman sa edad lima hanggang walo.

ADVERTISEMENT

Layon ng batas na mabawasan ang child mortality, ihanda sila sa pormal na pag-aaral at tugunan ang mga pangangailangan ng mga batang may espesyal na pangangailangan.

What do you feel about this article?