DZJV Radyo CALABARZONRegional

2 Luzon scops owl, natagpuan sa Tayabas

Dalawang Luzon scops owl ang itinurn-over sa Tayabas City ENRO kamakailan, matapos matagpuan sa Tayabas West Central School IV. Dinala agad ang mga ibon sa CityVet para sa pagsusuri, bago…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy of Tayabas City ENRO

Dalawang Luzon scops owl ang itinurn-over sa Tayabas City ENRO kamakailan, matapos matagpuan sa Tayabas West Central School IV.

Dinala agad ang mga ibon sa CityVet para sa pagsusuri, bago ito itinurn-over sa DENR-CENRO Tayabas.

Ang Luzon scops owl ay isang uri ng ibon na matatagpuan lamang sa Pilipinas.

Muling nagpaalala ang Tayabas City ENRO na mahigpit na ipinagbabawal ang panghuli, pagmamay-ari, at pagbebenta ng anumang uri ng wildlife sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

ADVERTISEMENT

Hinimok din ang publiko na agad i-report ang anumang ilegal na aktibidad na makasisira sa kalikasan sa mga numerong: (042) 797-4171 / 0948-105-1418.

What do you feel about this article?