
Umaasa ang Palasyo na makikipagtulungan sa administrasyong Marcos Jr. ang mga bagong halal na senador.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hinihimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga bagong senador na tugunan ang pangangailangan ng taumbayan, at hindi ang sariling interes.
Ayon pa kay Castro, ikinalulugod ng Pangulo ang resulta lalo’t karamihan umano ng nanalo ay may sariling paninindigan para sa interes ng bansa.
Anim sa mga inendorsong senatorial candidate ni Pangulong Marcos Jr. ang nanguna sa botohan.
Kabilang diyan sina Erwin Tulfo, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, at Lito Lapid.
ADVERTISEMENT
Wagi rin sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan na pawang inendorso ni dating Vice President Leni Robredo.
Habang ang ibang nanalong kandidato gaya nina Bong Go, Bato dela Rosa, Rodante Marcoleta, at Imee Marcos ay inendorso naman ni Vice President Sara Duterte.

